“Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan
ng bansa.” Isang kasabihan galing kay Marisol Mapula. Ano nga ba ang silbi ng
isang bansang hindi nagkakaintindihan? Kung walang intindihan, wala ring
kapayapaan. Kaya nga idineklara ni Pangulong Manuel Quezon na Filipino ang
gagamiting pambansang wika ng Pilipinas.
Taon-taon, ipinagdiriwang ng buong bansa ang Buwan ng Wika
tuwing buwan ng Agosto. Ipinagdiriwang ito upang hindi natin makalimutan ang
wikang Filipino at upang bigyang halaga ito. Wika ng Pagkakaisa— ang tema ng
buwan ng wika sa taong ito. Sa iba’t- ibang parte ng Pilipinas maraming
magkakaibang wika ang nagkalat gaya ng wikang Iloco, Waray, Panggasinense at
iba pa ngunit iisa lamang ang makakapag-ugnay sa atin. Kung ating susuring
mabuti, sa wikang Filipino tayo magkakaugnay at makakaintindihan.
Ang wikang Filipino ay likas sa mga Pilipino ngunit parang
unti-unti na itong lumilipas kasama ng panahon, unti-unti na itong binabalewala
at unti-unting napapalitan ng mga wikang pandayuhan. Ang wikang Filipino ay
minsan ng naging susi para sa ating kalayaan. Ito rin ang nagsisilbing pagkakakilalan
sa atin at gamit nito, maisasalamin ang ating pagiging pagkamakabayan.
Hindi layunin ng selebrasyon ng Buwan ng Wika na hindi
tangkilikin ang wikang pandayuhan , ang layunin nito ay ang ipaalala ang wikang
atin upang hindi ito makalimutan at mapabayaan.Ang wikang atin ay ating gamitin
dahil kung hindi natin ito gagamitin sino pa ba ang hihintayin natin na gagamit
nito? Ang Filipino ay para sa Pilipino. Wika mo, Gamitin mo!