Wednesday 27 August 2014

Wika ng Pagkakaisa

     

     “Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa.” Isang kasabihan galing kay Marisol Mapula. Ano nga ba ang silbi ng isang bansang hindi nagkakaintindihan? Kung walang intindihan, wala ring kapayapaan. Kaya nga idineklara ni Pangulong Manuel Quezon na Filipino ang gagamiting pambansang wika ng Pilipinas.

     Taon-taon, ipinagdiriwang ng buong bansa ang Buwan ng Wika tuwing buwan ng Agosto. Ipinagdiriwang ito upang hindi natin makalimutan ang wikang Filipino at upang bigyang halaga ito. Wika ng Pagkakaisa— ang tema ng buwan ng wika sa taong ito. Sa iba’t- ibang parte ng Pilipinas maraming magkakaibang wika ang nagkalat gaya ng wikang Iloco, Waray, Panggasinense at iba pa ngunit iisa lamang ang makakapag-ugnay sa atin. Kung ating susuring mabuti, sa wikang Filipino tayo magkakaugnay at makakaintindihan.

     Ang wikang Filipino ay likas sa mga Pilipino ngunit parang unti-unti na itong lumilipas kasama ng panahon, unti-unti na itong binabalewala at unti-unting napapalitan ng mga wikang pandayuhan. Ang wikang Filipino ay minsan ng naging susi para sa ating kalayaan. Ito rin ang nagsisilbing pagkakakilalan sa atin at gamit nito, maisasalamin ang ating pagiging pagkamakabayan.


     Hindi layunin ng selebrasyon ng Buwan ng Wika na hindi tangkilikin ang wikang pandayuhan , ang layunin nito ay ang ipaalala ang wikang atin upang hindi ito makalimutan at mapabayaan.Ang wikang atin ay ating gamitin dahil kung hindi natin ito gagamitin sino pa ba ang hihintayin natin na gagamit nito? Ang Filipino ay para sa Pilipino. Wika mo, Gamitin mo! 

No comments:

Post a Comment